Hindi ako Tamad Mag-Blog. Hindi.
Ilang linggo na ang nakalipas nang huli akong magsulat. Sa sobrang daming ginagawa, pati ang kumain ay nagagawa ko ng makaligtaan. Hindi naman ito dati nangyayari. Dahil na rin sa mga kaganapan malipas ang linggo, napag-isip-isip ko na gusto kong i-reformat tong blog ko. Isang taon din akong na-nose bleed sa mga pinagsasabi ko dito kaya para maiba naman, gusto kong magtagalog. Haha. Nang sa ganon, dumugo rin ang ilong ko sa mga malalalim na salitang gagamitin ko para sa blog na ito. Joke time lang. Hindi ko kaya! Ang hirap din kaya mag-tagalog ng straight. Kita mo na? Kung nakipagpustahan pala ako, talo ako agad. Pero bakit ba nalilihis ang mga pinagsasabi ko? Basta. Gusto kong mas maging free ang pagsusulat ko. Walang grammar grammar. Paki niyo ba. BLOG KO 'TO EH. This is my intellectual property. Hahaha. Kaya I can write and say everything I want. Wooo.
Ilang araw na akong may scarcity of sleep. In fairness, feeling ko pumapayat na ko at naghe-hello na ang mga eye bags ko. Sa totoo lang, nahihirapan na ako ng bonggang bongga. Pero naisip ko, tinanggap kong magpaka-bibo, kaya paninindigan ko na 'to. Sabi nga ng doctor ko, stressed talaga ako kaya apektado pati hormones ko. Ay kamusta naman yon diba? Ayan na, naguumpisa na akong maging babaeng bakla. Eeewww. Hahaha. Paki sampal nga please?
Marami na ding tao ang nahawa sa pinauso kong words, like arti-arti paparty (may nahawa ba talaga don?), chever, cherfer ka talaga, cheverlulu at marami pang iba. Nag-umpisa yon sa Calatagan eh nung nagshoot para sa Travel Show. Nakakatawa kasi ung cherfer ay nagiging subsitute or alternate word sa mga bagay at mga salitang hindi mo masabi. Oha!
At dahil naging buhay ko na ang TV Prod, magma-major na ko dito. Ito lang ang subject ko. Pero teka, hindi. Experimental Psych pala. Efff! Haha! Hindi demanding si Sir. Hindi talaga. Pero super saya ko talaga nung pumasok sa CATV Awards ang aming Awesome Weekend Experience travel show (na ako naman ang director). Kahit may delubyo at malakas na pag-ulan sa kasagsagan ng aming pagshoo-shoot, everything turned out great. Thank you Lord! At ngayon, nagpapasalamat ulit kami dahil maganda yung results ng Children's show namin entitled SPACE (Space People Arriving on Creative Earth). Ayaw namin ng mahabang title noh? Ayaw. Haha! Kahit na na-haggard ako sa pagiging technical director, MASAYA pa rin! Marami akong natutunan sa tech booth.
Worth it lahat ng pagod kahit na tinarayan ako sa Office of the National Park ng napakagandang Luneta at pinagbabayad kami ng sampung libong piso para makapag-shoot, salamat sa kanila. Kung 'di mo ko tinarayan, kung sino ka man, hindi kami napadpad sa Intramuros. At least don tahimik at supportive ang mga tao. Pft. Ano bang klaseng mentalidad meron ang mga Pilipino? Yung mga dayuhan na higit na mas magaganda ang mga camerang dala eh hindi sila pinagbabawalan magshoot sa Luneta, kami pang mga estudyante na sinasabing pag-asa ng bayan eh pagbabayarin niyo ng ganun kalaki? Mga Ipokrita at Ipokrito. Kaya hindi umaasenso ang Pilipinas dahil sa patuloy na pagbabalat-kayo niyong mga tao. Hahaha. Hindi naman ako masyadong apektado sa lagay na ito noh? Naiinis lang ako talaga.
Susulitin ko na ang post kong ito. Medyo nag-uusap na rin pala kami ni Corona Boy. Haha. Kung dati hanggang tanaw na lang ako, ngayon medyo medyo nag-uusap na kami. Nako. Ewan ko ba, hanggang ngayon, siya pa rin ang natatanging crush ko @_@ Pero siguro hanggang dun lang yon. Totoo nga siguro ang sabi nila na he's a good friend pero not an ideal boyfriend. Ay gumaganon? Sino ba nagsabi non? Haha. Basta. Narinig ko lang somewhere. Pero masaya pa rin ako kahit papano. At least ngayon, I know that he knows I exist. Yiiiikeee. Kinilig mag-isa? Haha.
Marami rin akong taong nami-miss. ME ANN!!! Huhu. Grabe. Parang ang tagal tagal tagal na talaga nating hindi nagkikita. Buti na lang kahit ilang minuto nung isang araw nakapag-kwentuhan tayo habang tumataas ang tubig sa paligid ng AB. Miss ko na rin ang mga dating CA1. Sana magkaroon ng pagkakataon na magkasama sama ulit ang buong klase. Miss ko na rin ang buong high school barkada ko. GRACE. Umuwi ka na phleaseeee. NAZI - lapit na birthday mo. CES Noo. Corny ka pa rin siguro. MIGUEL bulok na T shirt mo sa locker ko. Haha. Ariz, paramdam!!!
Sabi sa iyo, ikaw na bumabasa nito, hindi ako tamad mag-blog eh. I'm just busy. SUPEEER BUSY! Hahaha =) Sana sem break na!