Sunday, March 22, 2009

Pressure and Doubts

Junior year is officially over. But I'm having doubts on my chosen field. It's just recently that I realized that it's a doggone world out there. I've been traveling to a path where I thought everything would be as easy as pie but I was wrong. I think this is the first time I've felt so down and pressured, since April is just a week away, and here I am, still no place to go to for the summer practicum. I know, I know. I'm not the only who has the same dilemma, but should I worry that I still have nowhere to go to?

Everything is still uncertain, as of the moment. I'm still waiting for Velvet Channel and TV5 to call me, and I am still hoping that SummitMedia got my email just a couple of nights ago. Sometimes, I do think it's unfair. While I was out working my ass off for the benefit of our class - being busy for the play, the AdQuest and supervising the Faculty Show, they're all off OJT hunting. I don't regret doing all that, para sa akin din naman 'yon... but I can't remove the fact that I feel like I was left behind. Haha. But I know God has things in store for me, I know HE wouldn't let my face fall flat on the ground. Hindi ba Bro? HAHAHA!

I'm just looking on the bright side, Sir Ruel called yesterday and asked if Velvet already called and I said "No Sir, hindi pa po." I'm holding on to his words of "Sige, ifofollow-up ko."

Maybe I should just savor the moment of not worrying for school works anymore (except the recognition files for CASA, which should be done ASAP!). Tulad nga ng sabi ko kay Esfrey: "Chill muna tayo, tatawag din 'yang mga 'yan". SANA TALAGAAAAA.

Sunday, March 15, 2009

Hello. Mahaba-haba ito.

Hello. Marami nang linggo ang nakalipas nang huli akong nakatulog ng maayos. Grabe. Ang hirap pala mamuhay third year, pano pa kaya next year? HAHA! Kamusta naman ako. Eto haggard pa rin, pero masaya. Sa taong ito, sinubok talaga ni God ang kakayahan at mga abilidad ko, maging ang pasensya ko (kung meron man hehehe).Una, hindi ko kasi inexpect na magiging ganito kahirap pero at the same time kasaya ang buhay CA, samahan mo pa ng drama, action, at nang kung anu-ano pang genre (parang yung play lang namin -OVERDUE). Hehe!


Photo by: Nicole Melicor

Siyempre, hindi ko makakalimutan ang play namin. OVERDUE. Hindi man ako naging miyembro ng Teatro o kahit anong mga Drama guild, sana nagampanan ko pa rin ang pagiging Production Manager ko slash audiowoman. Hindi man kami nanalo ng kahit anong parangal, bukod kay Jhong na Best Supporting Actor, para sa akin, kami pa rin ang may pinakamagandang play sa balat ng Rizal Conference HAHAHA! Huwag ka nang kumontra - blog mo? Hehehe! Dugo't pawis yan. Kahit na pinalayas kami ng mga guard sa UST nung March 1, dahil daw Sunday at ayaw nilang managot kung may mangyari mang masama sa amin sa loob ng UST, ayos lang. One for CAONE! :) Dahil dyan ay nagkaron kami ng theme song, yung sayaw nila Faith at Pagu.... na sabi ni LOU ay ang title daw nung kanta ay Nuff Nuff (kasi yun lang ang naririnig niya) pero ang totoo talagang title ay "Out of this Club" ng Pussycat Dolls. Ewan ko ba, pero kahit napagod at buong linggo akong halos wala sa bahay, dahil gabi na ako kung umuwi, worth it pa rin yung experience. Nagpapasalamat ako sa mga kaklase ko dahil naniniwala talaga kayo sa memorandum ko - pero totoo yung memorandum number 1 ko: na pag LATE or ABSENT ka sa meeting or practice, may fine. Piso per minute, suggested ni Faith. Dahil don, nabawi namin ang mga kulang na pera dahil marami raming tao ang nalate nung araw na mismo ng pagtatanghal. Nagbayad din ako PhP 13, kasi 13 minutes akong late. OHA. Bilang na bilang nila noh?


Pagkatapos ko mag-twenteen nung January, inasahan ko nang stressful ang pagpasok ng February. Oo, stressful naman talaga. Hello naman sa eyebags ko right? Nagsama-sama pa ang mga subjects na sabay-sabay magparequire at magpagawa ng kung anu-ano. Inisip ko pa nun, robot ba ako? HAHAHA. Kasi OA sa dame ng pinagagawa. Lalo na sa Adver. Ilang accounts ang dumaan sa mga kamay at fingers ko, ilang activities tungkol sa pagdodrawing na hindi ko naman alam kung pano pero mataas yung score ko, isama mo pa ang pagiging responsable sa takbo ng faculty show at syempre ang AdQuest. NOTE: sa isang subject lang yan. HAHAHA!

Paano mo nga ba ispell ang STRESS? Alam ko kung pano! F-A-C-U-L-T-Y S-H-O-W. Totoo! HAHAHA! :) Bukod sa paghahabol sa mga prof para magpractice sila ng mga segment nila, siyempre ay dapat alam mo rin kung paano makisama sa kanila at paano ihandle ang mga professor. Nuff said. Salamat sa mga nagsilbing head ng bawat segment, lalo na kay Adie dahil alam kong nahaggard ka ng very hard sa mga hinandle mo. HAHAHA! Ayaw ko na sabihin kung sino sino hinandle mo, basta! Yung unang show, sabi ni nga ni Maam Faye, ay isang successful TDR. HAHAHA! Lagapak maygad! Pero buti naman naayos na nung second show, mas maraming tao, mas energetic yung mga faculty members at mas smooth na takbo ng show. Kahit biglang nagbrownout, di nila napansin yon, nawalan ng spotlight nung malapit ng matapos, THE SHOW MUST GO ON! All in all, masaya ang faculty show experience ko. Nung first year kasi ako, sumayaw lang ako kasama DAnce Synergy- back up ni Sir Galan at ni Sir Mabahague. Pero ngayon, aba, umo-over all chuva na ko. Akalain mo yun! Asensado! Hehehe!

Photo by: Adrian Pacific Ong (Faculty Show)

Akala mo tapos na?! Hindi pa!!! Pagkatapos ng Faculty Show, binigay naman ng CASA Adventure ang account namin for AdQuest - HBC. One week lang tapos AdQuest agad. Sinong hindi haggard?! HAHAHA. Sobrang nagpapasalamat ako sa mga matitiyagang tao sa klase namin, special mention kay CHISHA (ang aking twin sister sa klase), AUNJ, LOU, ESFREY, BEN, CARLO, MELA, JESSELIE, KAREN, GLENDA AT ANDRO. Huwag magtampo ang mga hindi ko namention - iba to, special mention nga eh. ANO BA! Hahaha! Sila kasi yung mga utak, kamay, pawis, luha at may pakana ng lahat sa account namin sa klase. Hehehe! :) Maraming nangyari nung araw ng AdQuest, akala namin hindi kami mananalo, na naman. Pero mabait talaga si God. Alam niya kung kailan niya ibibigay ang mga bagay na hinihiniling ng bawat isa sa atin. Humingi lang kami ng isa, pero binigyan niya kame ng tatlo. Sobrang saya na namin nung inannounce na Best in Below the Line advertising kame (tinatanong ko pa kung ano ang ibig sabihin ng Below the Line na yan nung umakyat kame ng stage kasi nagulat ako). Pagbalik ko sa upuan, sabi nila, ANG SAYA! Meron na tayong isa! HOORAY!!! :) Ganun kame kasaya. Kaya abot langit ang saya namin nung nadagdagan pa ng dalawa - Best in TVC at Best in Radio Ad. Salamat sa inyo Lord. Siyempre salamat sa lahat.


Photo by: Angie Ong. Adquest


PERO HINDI PA TALAGA ITO TAPOS. Hehehe. Kasabay ng AdQuest process, eh sumesegway ako para mangampanya. Opo. Sa kagustuhan kong mahaggard talaga at pagsilbihan ang CASA, heto at tumakbo pa ako bilang presidente ng CASA. Akalain mo yun. Hehehe! Pero hindi ko talaga inexpect ang mga bagay-bagay. Inasa ko lahat sa KANYA. Kahapon, nung pupunta na ako ng UST para naman asikasuhin ang thesis namin, sabi ko sa KANYA: Kayo na po ang bahala. Alam ko namang alam niyo kung ano mas makakabuti sa akin at sa lahat, kaya I entrust everything to you Lord. Sobrang nagsasalita talaga ako mag-isa habang nag-aabang ako ng trycycle. Buti na lang walang tao sa paligid non. Baka isipin nila may Down Syndrome ako at kinakausap ko ang sarili ko. Sorry na lang, pero kausap ko kaya si God. HEHEHE! Hindi ko na inasahan na mananalo ako. Kaya nung nagtext si Cookai na mag-uumpisa na bilangan, sabi ko sa kanya, ayoko nang malaman ang result. Pag dating ko ng bahay, si Kuya Biz nagtext, sabi niya:

Meng :(
- Biz

Hindi maiksi yung text niya ha. Hindi talaga. Sa totoo lang, nung nabasa ko yan, reply ako agad: Okay lang kuya biz, expected ko na...(di ako mananalo) Tapos nagtext si Cookai, sagutin ko daw yung sun ko. Pagkasagot ko, sabi nila:

"Sorry Meng, pero presidente ka naaaa!"

Ang tagal bago ko nacomprehend. Yun na pala yun. HAHAHA. Masaya ako. Kasi hindi ko inexpect. Tumakbo ako, dahil nagbakasali ako na mapatupad ko yung mga idea ko for CASA. HAHA! Hindi ako nagexpect pero nung isang araw, gumagawa na ako ng list ng Monthly activity para sa susunod na sem, para wala lang. Siguro sign na yun ni God na pagbibigyan na niya ako this time. :) Sobrang Salamat sa lahat. May mga nangyari mang hindi inaasahan, tulad ng pagka-disqualify ni Margo, alam kong may dahilan SIYA. Margo, mag-intay ka lang, alam kong mas malaking opportunity ang naghihintay sa iyo. You'll see. Hayaan na natin sila. =)

Maraming salamat sa Partido kaCASA. Kay Cookai, sa pagpersuade sa akin nung una. Kay Pam, Margo, Tine, Chynna at Goldwyn. THE BEST PA RIN TAYO! Hehe! :) Triggering initiative and competence towards a more responsive and better performing CASA. We are the partido kaCASA.

Partido kaCASA '09

Salamat sa mga KUYA AT ATE namin:) Kay Kuya Biz, Ate Ruby at Ate Kamla! Kay Kuya Khenne, Kuya EJ at Ate Issa. Kung hindi dahil sa inyo, grabe, I would've miss this opportunity. Jelo, salamat! :) Sa mga kaklase ko ngayon, 3CA1 at MAD DOGS most especially sa Mangkujiwo - supeeeeer mahal ko kayo. ALAM NA! Hindi ko na imemention lahat. Pagod na ko. HEHEHE!

GOD - salamatttttt ;)

Yuck, hindi ko na alam kung sino pa pasasalamatan ko. Basta. Goodluck na lang sa Finals. One week na lang! Tapos OJT naman! HEHEHE! Wala pa pala akong OJT. WOOOO. Salamat uliiiit =) Ako po si Meng. Bow.

Saturday, March 07, 2009

Life is unfair.

Sana matuto kang makinig.